My top 10 looks from New York Fashion Week

Fashion week na naman guys! Alam nyo na! Abangan nyo ang mga Top 10 looks ko. Panahon na para humanap nang mga bagong peg sa mga outfitey nyo! GOW!

Jason Wu: Fell in love with the leather and lace combo. Eto ang tinatawag na SWEEXY. Pa-sweet na, pa-sexy pa. Wag tularan ang top baka pagka-malan kayong naka-bra lang.

Vera Wang: New direction when it comes to wearing prints. Tigilan na ang print on print. Masakit na sya sa mata okay. Go for matching top and pants for a change. Bongga sya infair. 

Oscar dela Renta: Sorry guys, alam nyo namang sequins, sheer at feathers ang weakness ko. Super love this feathered mini from Oscar. Oo na mukha na tong very Paris Hilton pero aminin nyo, nakaka-debutante lang peg. Winner!

Calvin Klein: The Calvin Klein aesthetic would forever be like this. Pero kapag naka-hawak na kayo nang piece from the Calvin Klein collection iba talaga sya. The structure sobrang linis and one of a kind talaga ang ginagamit nilang fabric. Minimalism in the most chic way. Shalang shala lang ang dating mo in this. Simpleng detail lang kembot na! 

Alexander Wang: ANUVA! KALOWKA NAMAN TOH! Ang ganda lang. Sigurado akong stripes and lines talaga ang next trend. Amazing collection from Alexander Wang. Bongga nang placement nang lines sa dress- ang sexy!!! Nagpa-bili na rin ako nang electric tape para idikit sa ulo next time. PAK!

Prabal Gurung: Continuity of the sportswear trend. Winner ang sweater with the snake-skin leather!!! ANG CLAZZ!!! Ia-achieve ko ang look na to! Panalo din ang shoezay ha! GO LARGE!

Victoria Beckham: Structured lang ang peg! Loving this new silhouette. Tailored jacket and mini skirt? PANALO! 100% overall ang score nang look na to with the boots. Isa syang malaking check!!!

Marchesa: Oo na hindi na tama kapag ganito ang suot nyo. Pero give nyo na ang pagmamahal ko sa fringe. PUSH NA PUSH YAN!

Cushnie et Ochs: Below the knee hemline, cutouts, structured – PERFECTION! Robot robot lang. Haha! Super love the color too, ang fresh! At alam nyo bang half Pinay ang isa sa dalawang designers nang Cushnie et Ochs? Bongga diba? PINOY PRIDE!

Michael Kors: Sabi nila tigilan na daw ang cutout? AYAW! AYAW KO PA! Maka-attend nga nang beach wedding nang mai-push na ang dress na to! CHOZ!

Much love,

D